Ibat iba ang buhay sa Abroad
mayroong umaalwan at may naghihikahos
Mayroong umuunlad at merong napapariwara
kalimitan ang iba ay nauuwi sa wala
Ganda ang gamit at make up ang puhunan
itinaya nila halos pati buong katawan
Kapit sa patalim walang malapitan
lumuluha ang mata ni isa'y walang kaibigan
Malawak ang isip ngayon ay nasaan
ubos na ang pera walang pinag ipunan
Winaldas ang lahat dahil sa barkada
akala siguro madaling kitain ang pera
Tamang pag iisip sa tamang paraan
perang pinaghirapan mo ay gamitan mo ng isipan
Dugo ang puhunan pawis ang kapalit
para sa pagbabalik mo ay hindi ka magipit