Vasto Lorde Mobber
Posts : 247 Join date : 2010-02-03 Age : 36 Location : Mt. Panabo tsugbo
| Subject: Halalan :D :D Sat Feb 13, 2010 10:51 pm | |
| Halalan
Halalan ay parating na naman Mga pulitiko ngayon nagpapagalingan Sa isang patimpalak na ang husgado ay bayan Mga pulitiko'y nagpapabango ng pangalan
Sa radyo, peryodiko't telebisyon Iba't ibang proyekto kanilang suhestiyon Problema sa kahirapan sila daw ay may solusyon At kaginhawaan ay kanilang dala sa bayang puno ng konsumisyon
Tingnan ngayon panahon ng halalan Iba't ibang klase ng tao nagbabangayan Kaliwa't kanan sila ay nagsisiraan Na sa balita'y iyong makikita umaabot pa sa patayan
Tayong mga mamayan dapat magmanman Boto natin ay wag sanang masayang Wag maniwala sa mga hanggang salita lamang Nang sa huli ating bayan, ay maligtas sa kahangalan
| |
|