Itinuring kang hari ng kalsada
madaling araw pa lang ay naglalakbay na
Sa bawat bayan na iyong madaanan
tuwa at galak ang mga kakilala
Buong buhay mo ikaw ay naglalakbay
lingo,buwan at taon ng iyong buhay
Kalakal ang hanap upang ikabuhay
pagod at hilahil sa mga mahal sa buhay
Sa buong araw ng iyong paglalakbay
ang pahingahan mo ay mainit na daan
Kung may makita mang lugar na luntian
sa batis ng lilom ikaw ay nagtatampisaw
Hindi mo man alintana ang panahon
ang buhay mo ay parang sa gulong
Tuloy tuloy ang ikot sa paglalakbay
ganyan lang talaga ang buhay