ngiti sa'king mata
hindi maitago ang saya
nananabik ng muli kang makita
nanumbalik sa alaala
lahat ng nagdaan nating masaya
muling bumalik sa gunita
kamusmusang lipas na
"kamusta ka na?"
"tanda mo pa ba yung bulaklak ng gumamela?"
"ilan taon na ba ang nagdaan?"
"siyam na taon at kalahati na pala."
"maganda ka pa din walang duda"
"bolero ka pa din tulad ng dati"
"parang kelan lang nung umalis kami"
"magsasampung taon na din pala" iyong nawari
"nakatago pa din mga sulat mu dati"
nakangiti mong sinabi...
mukha ko'y namula
parang kinapos aking paghinga
pusong nahihimlay muling pumintig
nabuhay muli dating pag-ibig.
ako ba sayo ngayo'y aamin na?
sasabihin mga lihim na damdamin
na halos isang dekada ng kinikimkim
mahal kita nuon pa
at kahit nuong ikay lumisan mahal pa rin kita
akoy nglakas loob...
natatakot na mawala ang pagkakataon
dali-dali kong binulong..
"may sasabihin sana ako"..
"ako din meron" iyong tinugon
kabog sa aking dibdib dumagundong..
aking naitanong "ano yun?"
mahina mong sinambit
"ikakasal na ako sa June"