"Crab Mentality"
Di siguro kaila sa atin
na ang isa sa mga kahinaan
natin ay itong pagka-inggit
sa kapwa't ito'y likas sa atin
Ito'y ramdam sa trabaho
samahan o organisasyon
may nagawa ka at umasenso
pababa kang hihilahin
Di naman lahat ng "inggit"
ay "salot" sa lipunan
pwede ring itong gawing
motibasyon ng karamihan
Ah, "crab mentality"
mas nanaisin ko pang
intindihin ito sa paraan
na literal...kaysa sa kabaliktaran
Paborito ko kaya ang mga ito
ang alimasag at alimango,
yummy!