"Buwis: Ugat ng Pighati?"
Bagay kang pinagpala
mga gahaman na nakatingala
mamamayang nagpupunyagi
akala'y nakatulong sa bansa
kaipala'y naibulsa na
ng mga buwetring ganid
Ganun ka kung magpaikot
lahat ay sakop mo
tao at bagay saiyo umiinog
pati buong mundo alipin mo
di nga ba't ganun ang halaga mo?
di iinog ang mundo kung wala ka?
Isa-isahin natin ang sakop mo
di nga ba't mula sa pagsilang
sa pagpabinyag, pagpaaral, pagpakain
pagpadamit, paghahanapbuhay, mga luho
alak, regalo, mga napanalunan
paupahan, gobyernong local at nasyunal
Pati pagkamatay at pagpalibing
sakop mo pa rin, ganun ka katindi
si Juan Dela Cruz napapangiwi
habang ang mga negosyante napapakamot
mga duhapang at ganid napapangisi
habang ang inang bayan nagpipighati