parang bigote - sa mukha ng isang babae.
parang chalk - sa blackboard na berde.
parang february 29 - sa isang leap year.
parang bula - sa ibabaw ng isang mug na beer.
parang pinoy twilight remake - sa mga fans na isip bata.
parang chacha ni gloria - sa lipunang maralita.
parang kupal na LRT - sa gitna ng dysmenorrhea.
parang mas kupal na EDSA - sa gitna ng diarrhea.
parang sabaw - sa ibabaw ng mainit na taho.
parang sidewalk vendor - sa mata ni bayani fernando.
parang amag - sa tigpi-fifty pesos na mamon.
parang ulo - sa hinilabos na hipon.
parang maligalig na langaw - sa putaheng burgis.
parang regla - sa pasador na manipis.
parang damo - sa kabayong walang buhay.
parang black and white na ako - sa makulay mong buhay.