minsan, bituin lang ang liwanag na matatanaw;
sa kalsadang tinatahak, at mapanglaw.
mga sumubok ay marami na rin,
sa mga bagay na hindi maaring aminin.
hiram na mga sandali'y walang kapantay,
hiram na pag-ibig, kapwa binibigay,
langit huwag sana tayong pagkaitan,
upang mga sarili natin ay pagmasdan.
walang katulad ang ligayang dulot,
dala ng pagtitinginang baluktot.
tinatakasan, sinusulit bawat sandali,
nagpapanggap ang bawat isa'y wagi.
ang bukas, sa'tin ay naghihintay,
pagkakataon, sa'tin pa kaya ay ibibigay?
upang ipagpatuloy itong ating kaligayahan?
upang ipagpatuloy itong ating kasalanan?
__________________
I wish that I could stay, but you argue...