Marami akong bagay na di maintindihan
Gaya ng iyong biglaang paglisan
Ano ba ang tunay na dahilan
At ako'y iyong iniwan?
Minahal naman kita ng tapat diba?
Pero di pa ba yon sapat para manatili ka?
Ang isip ko'y di mapakali
Hanap-hanap ka sa aking tabi
Di malaman ang tunay na dahilan
Kung bakit ako'y iyong sinaktan
Minsan lang ako magmahal ng totoo
Ngunit iyon ay sinayang mo
Nais kong malaman mo
Na ikaw pa rin ang laman ng puso ko
Ang umaga't gabi na dati'y kay tamis
Ngunit ngayo'y nasuklian ng pait
Sa aking pagtulog ikaw ang panaginip
Sa aking puso't isip ikaw parin ang nauukit
Lahat ng alaalang iyong iniwan
Ay kailanma'y di ko malilimutan
Ako'y nanghihinayang sa pangako at pagsusuyuan
Na hindi na kailanman maisasakatuparan
Ano ba ang kailangan kong gawin
Upang ika'y mawala sa aking isip
Kahit lang isang saglit?