Sa salamin ako ay napatitig
Sino ba itong lalaking sa akin ay nakatingin...
Pati sarili ko ay akin ng di nakilala
Ibang lalaki ang aking nakikita...
Sa dami ng kasalanan na aking nagawa
Ilang luha na ba ang aking nilikha
Patawad na salita ay ilan beses ng narinig
Akoy magbabago na, yan ang laging bukang bibig..
Akoy nahihiya sa aking sarili
Heto at nariyan ka pa rin saking tabi
Hanggang kailan pa ikaw muling luluha
Hanggang kailan pa sa akin ay magtitimpi...
Pinangako sa simula na ikaw lamang aking giliw,
Lumipas ang taon at iba na ang nasa piling
Pagkakataon lang ang syang tanging hiling,
Hinihiling na muli kang makapiling
Saksi ang PU sa aking pagbabago,
Nawa ako ay muling pagbigyan mo....
salamat po....