Andaming sumubok, Maraming nasaktan
Dito sa pagibig na pansamantala lamang
Pagtapos ng trabaho, internet shop aking tinungo
Umaasa giliw na ikaw ay masumpungan ko...
Sa forum ay nag log in, pagtibok ng puso ay tumulin
Hinangad aking mahal na ikaw ay makapiling
Panandaliang oras na ikaw ay makita
Lubos na ang ligaya na aking nadarama...
Pagpindot ng letra ang keyboard ay pudpod na
Ang daliri ko giliw ay puro kalyo na...
Ilang araw na nga ba ng una kang makita
Sa forums na ito na ubod ng saya...
Bumabaha ang shoutbox pag ikaw ay naroon na
Wala akong nagawa kundi ang sabayan ka...
Di pa nakuntento YM mo ay kinuha ko
Isama na ang Facebook Friendster at Myspace mo
Ano ba itong naramdaman umibig na ba ng lubusan
Alam kong di dapat at akoy masasaktan
Ngunit ang puso ko ay sadyang di maturuan
sumubok magtapat ng aking narararamdaman
Tangaa lang bang talaga ako aking hirang
Umasa akong ibigin mo sa internet na panandalian
Napuyat ng lagi kahihintay sayo mahal
Ngunit mapait mong hindi ang syang aking nakamtan...
Ano nga bang mapapala sa INTERNET LOVE na nakamtam
Ito ay akin lamang sinubukan
Sakit ng puso ko ay di ko natagalan
Sa pagibig ay bigo ako.... Nasayang pa ang pera ko....