"manong isang marlboro lights nga"
"yung sukli isang maxx na pula
my lighter ka ba? pasindi na din..."
hithit buga
sa bawat usok
na pinalalabas sa bunganga
mistulang tambutso ng jeep ang eksena..
macho gwapito ang dating
parang laging gising..
daig ang kissing scene
sa tindi ng nicotine.
ngunit sa likod ng usok ay my lumbay
yosi ang kaagapay ng damdaming matamlay
oh usok balutan mo itong puso kong nais humimlay
upang di na maramdaman muli ang sakit na dulot ng pagwalay.
"mabuti ka pa yosi..
lagi kang mabibili
madalas ka lang nasa tabi-tabi..
samantalang sya na pinagalayan ng pagibig
at ibinili ng rosas na pula hayon at iba na ang kasama...."