Bakit ka nakita at tayo ay nagkakilala
Kung di rin lang pala ikaw ang makakasama
Bakit hangad ka ng puso kong sinta
Dudurugin din pala ng mapaglarong tadhana...
Bakit ba ikaw ang gustong laging kasama
Gayong alam ko na mayron ka ng iba
Bakit mo hinayaang ako ay umasa pa
Kung sa bandang huli, ilalag lag mo din pala...
Bakit patuloy ang pagdaloy ng aking luha
Ngayon akoy nauutal sa aking pagsasalita
Bakit ba sayo ay lagi nang namamangha
Ano bang salamangka ang sakin ay yong ginawa...
Bakit bukang bibig ay puro lamang katanungan
Sige dyan ka na ng makahanap ng kasagutan...