Torpeng dragon…………..
Saan ako mag umpisa , paano ko sisimulan
Ang sasabihin ko, na dimo maintindihan
Natatakot ako, na iyong pagtawanan
Masasaktan lamang, itong aking kalooban
Dasal ng puso ko,ikay mapasa akin
Handa ng magmahal, ang tunay na damdamin
Subalit ang kaba, mahirap sakiy pigilin
Kaya pag ibig ko, sayo ay ligaw tingin
Mahirap para sakin, ang umibig ng lihim
Parang diko makita, ang liwanag at dilim
Pero damdamin ko,kung ngayon ay diringgin
Kaya kitang hagkan, pagsapit ng takip silim
Akoy isang torpe, na mayabang ang dating
Pinapaamo mo, sayong matang nagniningning
Kung hindi ka titigil, sayong katitingin
Isusuot sayo, itong gintong singsing....