any of you noticed na sa simula lang mabilis ang service ng broadband, pero pag-laon bumabagal na?
kwento ko lang. una, i used tattoo since loyal ako sa globe. nung hindi na ako natutuwa kasi either pahirapan kumuha ng signal or may signal may pahirapan naman maka-connect, nag-switch ako sa smart bro. same thing happened again.
that's not all. i used to use DSL naman at home, but since na-ondoy kami at lumipat kami ng bahay, nag-switch ako sa Sky Broadband kasi kasama na sa cable connection. mga first few weeks or months (di ko nabilang), ang saya kasi ambilis ng connection and yung usual download time ko with DSL, halos na-cut in half. pero ngayon napansin ko, may sumpong. yung 3-minute video sa YouTube, halos 10 minutes ang hinihintay ko para mag-load, at hindi ako nag-eexagerate. wala naman ako kaagaw sa bandwith.
naiinis ako kasi i'm not getting my money's worth, pero wala din ako magawa kasi kelangan ko ng internet. do you have any guesses kung bakit walang consistency ang mga internet providers?